I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Tips for applying Permanent Resident (PR)

1192022242527

Comments

  • @Gray_Kazimir Congrats po :) ok lang ba maitanong kung ilang beses ka nagapply ng PiAr at kung kelan ka una nagapply?
    Baguhan lang ako dito sa forum, recently lang nareject hbang halos lahat ng mga kaibigan ko naapprove na hehe. Yoko mawalan ng pagasa pero ang hirap din kasi ngayon

  • @chocolatepudding19 mga Pinoy din po yung mga kasamahan mong nakakuha? thanks

  • @chocolatepudding19 Madali lang po sa akin kasi andito na po parents ko.. nag apply kami as family pero andito na parents ko since 20 years ago.. madali pa makakuha nun time na yun kaya maluwag sila.. naging PR ako is 2007-2008 tapos naging citizen nung 2009 habang nasa Army pa kasi madali lang po kapg sa nasa NS dati.. signed paper lang po tapos express na sya naging Citizen na ako.. then kapatid ko.. si Misis po kaka approve lang ng PR last month pero nag try sya before once nung wala pa kami anak.. kaya LTSVP+ sya.. pwede mag work basta LOC lang.. nung nakabili na kami ng haus at nagkababy.. nagtry ulit kami.. 1 year bago maaprove..

    medyo mahirap po ngayon sa naririnig ko pero don't lose hope.. as long as you stay positive specially maswerte tayo at andito tayo sa SG at may work.. kaya don't give up.. just timing lang yan.. kapag wala na Covid next year.. at medyo maluwag na sila.. timingan mo... then apply ka lang.. God will find a way for you. :) Good luck!

    God bless po sa lahat and Good luck sa mga mag aaply and keep safe po tayo palagi!

    msidyllic
  • @kabo Oo. Marami sa kanila 6-7 years na din dito

  • @Gray_Kazimir Salamat sa reply, nakatulong po yung pag share nyo. Nakakatuwang marinig yung mga ganitong storya kasi at least may chance din na manatili at magsettle dito. God bless po

  • @chocolatepudding19 Yes po... dapat always be positive.. para sa amin ang SG for now ang the best talaga.. malapit sa Pinas.. weather parang Pinas.. daming benifnits kapag Citizen ka.. medyo mahirap sa una pero kapag andito ka na.. marealize mo sobrang swerte ng mga lokal.. yung mga reklamador iilan lang naman yun.. yun yung puro reklamo.. pero kapag ok na at settle na.. talagang ma preciate mo lalo na this times of crisis ang mga nagagawa ng Gov talaga para sa mga mamayan nila mapa Lokal or Foreigners. Wala masyado discrimination at racism diito.. sunod ka lang sa laws at wala ka maging problem talaga.. tahimik din ang buhay.. :) Kaya do your best and don't give up... dun dun pa makaka pag PR na rin karamihan na nagaaply at madadala family dito..

    The best talaga kung yung future ng mga anak natin isipin natin :) kaya dapat Think Positive at Think in the Long Run.. parang Gov nila.. wag short sighted.. in the long run... makakamit mo din yung gusto mo sa pagtyaga at pagsumikap at specially pag Pray kay God.. God Bless and Good Luck sa lahat! Be safe always po!

    chocolatepudding19msidyllic
  • @chocolatepudding19 hi. When ka nag apply and how many months nakuha yung result?
    Ilan years ka na din in sg?

  • @Wytm Hello, mag 6 years na ako sa sg. Nagapply ako start of the year kaso reject after 5 months, medyo maaga haha.

  • @ganteng musta na application mo?

    @Gray_Kazimir nice naman yung profile mo. malaki chance. congrats

    yung colleague ko malaysian chinese tapos husband is SPR (malaysian) this month lang na approve PR nila. sa may2019 sila nag apply as sponsored.

  • @Samantha1 Madali lang kasi kapag malaysian.. talagang binibigay na sa kanila halos.. kaso madami din restrictions kasi sa kanina kapag dating sa CPF.... halos ibang lahi except sa kanila medyo mahigpit for now.. pero sabi nung mayabang naming Insurance agent na Pinoy na PR na rin... marami daw sya "kakilala" na Pinoy na naging PR.. pinamimigay na lang daw PR ngayon sa Pinoy.. basta basta na lang daw na aaprove.. sabi ko sa kanya.. next year lipat na ako sa ibang insurance.. babawiin ko na lahat ng investment ko.. nayayabangan ako ehh.. mayabang talaga yun.... tatapusin ko lang 5 years.. lipat na ako sa iba.. dun sa isang Pinoy na PR na din na agent pero mabait talaga at di ka iniistorbo.. kasi karamihan na Pinoy na kilala ko na naging PR biglang yumabang... di naman lahat. sakit na ata natin mga PInoy yun. Ha ha ha

  • @Samantha1 pending pa rin. Mag-anniversary na application ko ngayong october.

  • @ganteng Good luck po sa application! Sana Ma-aprove! Laban lang! Be Positive! God Bless po

  • Hello there! Plan ko sana magapply ng PR soon. I’ve been here in sg since Jan 2019, finished my masters degree, holding EP while working the past 8 months in a bank for a Tech-Business role. Ask ko lang kung may advantage ba yung degree from local university and if meron almost same profile as mine na approved/rejected lately, will appreciate some advice sana. Thank you ?

    Hunter17
  • @Gray_Kazimir meron ako 3 kakilala pinoy pr na insurance agent. marami ata mga PR nag sideline as agent. d naman pinamimigay. marami parin reject. buti papaplitan mo. :'( :'( :'(

    @gman23 apply lang mukhang malakas profile mo.

  • @Samantha1 Oo sinabi mo pa.. papalitan ko na yun by end of this pandemic.. hopefully next year at lilipat na kami.. pati investments ko lipat ko na rin sa kabila

    @gman23 nice! apply lang, just be ready na lang if ma reject.. lam mo naman panahon ngayon.. but Good luck and all the best.. try lang ng try.. wala sayo yang $100 kung ganyan work mo for sure. ha ha. Good luck!

  • may chance po ba ako makapag apply ng PieaR kung 1 year palang ako dito spass po ako at ndi naman po kalakihan sahod ko, at pandemic pa any suggestion anong pwede kung gawin salamat po sa help

  • @ahlain03 you can apply. though talagang mahirap makakuha ang lahi natin ngayon, at least may chance ka kahit maliit. kung hindi mo susubukan, siguradong hindi ka makakakuha

    good luck

    ahlain03
  • Hello po mga kabayan, plan ko po mag apply ng PiAr pero gusto ko lang po malaman kung ano mangyayari sa mga properties under your name sa Pinas if maapprove yung PiAr mo po? salamat po in advance.

  • @seph_tember wala po. need mo lang ibenta kung magiging lokal ka na

    seph_tember
  • @kabo THANK YOU MAY TIPS KA PO BA PARA MAGKAROON AKO NG CHANCE AT ANO ANO MGA REQUIREMENST AT MAGKNO. AT BAKIT NEED IBENTA UNG MGA PROPERTY SA PINAS SAKIN NAKAPANGALAN UN BAHAY KO SA PINAS. SALAMAT SA SAGOT

  • @ahlain03 d naman need ibenta ung bahay sa pinas. ang need po sa lahi natin swerte at dasal. magapply lang kayo 100$ lang nmn ang mawawala. try lang ng try

    seph_tember
  • Hello. Sobrang noobs na tanong po, pwede ba magapply ng birth cert copy from the embassy para sa PR application?

  • @ahlain03 need mo lang ibenta kung magiging lokal ka na. pag PiAr po ay hindi

    $100 ang bayad, online ang application and need mo upload lahat ng relevant document

    https://ica.gov.sg/apply/PR/apply_PR_who

    seph_tember
  • edited October 2020

    @kidztrivia yung birth certificate mo na dala galing pinas, from NSO or PSA, ay pwede mo pong gamitin.

    kung wala kang kopya, try mo dito

    Log on to PSAHelpline.ph and click the Order Now button. You can also make a request by calling our hotline (02) 8-737-1111.](How to request for a PSA Certificate using PSAHelpline.ph? Log on to PSAHelpline.ph and click the Order Now button. You can also make a request by calling our hotline (02) 8-737-1111

    tapos po pa-mail mo na lang dito, think it will be cheaper than getting one from Phil Embass. yun ay kung pwedeng kumuha dito

  • Hi! Thanks po.
    Hihingin po ba nila yung original documents (birth cert, transcript, professional certificates), o good na yung iuupload na digital copies?

    Salamat ulit!

  • edited October 2020

    @kidztrivia need mo pakita original copies during Completion of Formalities (once na pumasa ka na) or pag pinadalan ka ng letter to report and show your original docs

    normally hindi nila kinukuha, verify lang nila original vs copy

  • I just want to share.. nag apply ako ng pr nung June then I got the result this week, rejected sya. I’ve been working in sg for 1 yr and 10 months.

  • @unicornsam thanks for sharing... subok lang ulit. mas ok kung may bagong credentials bago magpasa ulit. pero pwede mo din namang subukan kahit pareho lang.

    good luck

  • Salamat po sa mga sagot. :)
    One more question. Factor ba talaga yung volunteering and donations? Paano nila nattrack yun? May accredited lang bang places to donate or volunteer? Kasi parang so far, yung previous volunteering/donations namin, per normal, di naman hinihingan ng IC.

  • Hi po. Plan po nmin magasawa magapply.. pero ung baby po nmin nasa pinas.. ok lng po ba iapply ung anak kasabay samin kahit nasa pinas siya? Kaya kmi apply para madala xa dito ksi d pa kaya ng sweldo nmin na i-DP xs. Baka kasi hindi pala pwede apply for pIAr anak ko at mareject lng ung application namin tatlo.

Sign In or Register to comment.